Presidential Candidates: Kung Sila ay mga Studyante Pa Lang

duterte presidential candidates
1.Boy Tigas

Siya siguro yung classmate nating astig na malakas ang karisma sa mga chicks. Kaibigan niya lahat, pati ang mga security guard. Yun nga lang, wag mo siyang babanggain kundi bugbog ang aabutin mo. Mabubugbog ka na, maeexpell ka pa. May mga galawan si Rody na mala-ninja, extra-curricular killings daw ayon sa chismis. Pag siya ang nautusang maglista ng noisy, tahimik lahat, magaling dumisiplina. Marami daw napaiyak ang isang 'to lalo na sa madlang girls. Malakas ang appeal, madaling mapasagot ang babae pero hindi stick to one.



2.Totoy Negro

Kakaiba ang modus operandi ni Totoy Negro. Mahirap daw siya kaya nakikishare sa baon mo. Kulang daw sa talino kaya nangongopya sayo. Yun pala, malalaman mo na nakabili na pala ng mga bagong gamit. Pinakopya mo na nga, mas mataas pa ang iskor sayo. Mapagmahal sa pamilya si Totoy Negro. Tuwing lunch break, nauuna siya sa cafeteria para ireserve sa upuan sina Junjun, Nancy at Abigail. Magkakamatayan kung aagawan mo sila ng upuan, tiyak sa guidance counselor ang bagsak ninyo.

3. Pinay Henyo

Siya yung classmate mong out of this world ang utak. Sa sobrang talino, memoryado niya ang lahat ng libro niyo first grading pa lang. Napakahonest pa. Yun nga lang, dahil honest siya, di nagpapakopya sa test. Lage tuloy nao-OP. Dahil sobrang talino, wala siyang patience sa mga bobo. Kung bobo ka, sasabihin talaga niya sayo na bobo ka. Kaya kung sa popularidad, kulelat si Pinay Henyo. Ang teacher lang ang nakakaintindi sa kanila, sila lang ang magkalevel.

4. Ms. Transferee

Fresh from bonggang school naman ang isang ito. Hindi siya lubos na matanggap ng ibang mga classmate niyo dahil bago pa lang siya sa school. Magaling magsalita si Ms. Transferee. Always best in reporting. Masipag yata mag-aral kaya lageng handang sumagot sa recitation. Maraming nakaka-appreciate sa kanya, yun nga lang, marami pa rin ang ayaw siyang tanggapin dahil kwestyunable ang kanyang loyalty, sa old school pa rin ba niya o sa new school na?

5. Mr. T.H. (trying hard)

Siya yung classmate mo na wala na ngang karisma, wala pang talent. Hindi siya sikat sa madlang girls  kaya ang naging jowa niya ay yung chick na walang nagtangkang manligaw.  Kapag siya ang lider sa isang group project, lage na lang semplang. Ngunit si Mr. T.H. ay sadyang trying hard. Try and try until you succedd and motto niya. Sa school, nagvovolunteer siyang magbuhat ng kung anu-ano para may plus points. Cleaner siya every Tuesday pero araw-araw siyang nagbubunot ng sahig mula classroom hanggang hallway makapagpasikat lamang.

Sino kaya sa mga estudyante na ito ang magiging valedictorian? Yung matapang, yung wais, yung matalino, yung magaling, o yung masipag?

Comments